complicatED by choice part 1

Ah love life. eto ang isang topic na gustong gusto kong isulat, pero ayoko pagusapan.

Noon it was either Single, or Married lang ang pwedeng status ng love life mo. Pero tulad ng pagdami ng members sa Facebook, dumami din ang status ng lovelife, ngkaroon  bigla ng “in a relationship,” “in an open relationship” at ang pinaka maintriga sa lahat ang “it’s complicated.”

So what is the first thing that comes to your mind kapag nakita mong “it’s complicated” status ng friend mo?

Ay malamang sa hindi…third party– or worse kabet.

It’s either married yung isa, me jowa, or both, as in parehong me sabit. Kaya nga complicated eh.

Tama diba? Oo kung naiwan ka sa 1990’s.

Dahil ang totoo, lahat nman ng “in-love” at “in a relationship” eh “complicated” pa din. not because there’s somebody else involved but rather dahil wala naman simple sa pagibig (unless binayaran mo).

Ang pagibig kase  na madali mo nakuha, is not really love at all, para bang kumain ka ng kanin at ang ulam mo kanin din.

its the complications that actually make you feel love. kaya nga hanggang ngayon mabenta pa din ang kwento ni Romeo at Juliet di ba? kaya nga lahat ng mag syota gumagawa ng bawal, dahil kapag lahat legal, walang kwenta at walang dahilan para ipaglaban.

Matagal ng complicated ang status ng love life ko. But its a choice,and it is one of my decisions na di ko pinagsisisihan. Coming from a long-term- long-distance relationship can be traumatizing, para kang sumakay ng bus papuntang Baguio tapos pagkagising mo nasa Bicol ka na pala.

I’ve found someone to love, and i’ve been in love with her ever since. it’s not easy and most of the time it’s not perfect–  kaya nga siguro kami nagkakasundo, dahil me pagkasadista kami pareho. Complicated man lahat ng nangyayari sa paligid namin simple lang ang kasunduan namin— “na ako’y sa yo at ika’y akin lamang…”

o di ba ang swet?

Pilipinas Got Copycat Talent

AYALA LAND UNVEILS LIVING FLAG