bastED

This letter is almost 18 years old, at kung babae pala ‘to malapit na mag debut! 🙂
…huwag mo na pahirapan sarili mo…nasa baba ang transcription…

july 1, 1992

ed,

you know, i’m glad. why? because madadagdagan na naman ang mga no. of friends ko. Ed, naiintindihan ko yung mga pinagsasabi mo sa sulat. kase naramdaman ko na rin yung mga yun — KAYA LANG SA IBANG GUY.

Pero alam mo, huwag kang matatakot pag naka- kasalubong mo ko, hindi naman ako marunong kumain ng tao.

Siguro, mas maganda kung magiging mag-friends na lang tayo. o kung gusto mo sige pwede mo kong maging best friend.

Yon ngang gusto ko maraming friends para maraming mag tatake care sa akin. Pero paano tayo magiging friends kung takot kang lumapit? huwag kang matakot as i’ve said hindi ako nangangain ng tao

O sige ha! My Friend (say mo!)

your friend,
…x.o.x.o..

ps:
sobra naman yung pagdedescribe mo sa akin. Nakakataba ng puso. Mataba na nga ako patatabain mo pa…pakipunit na lang tong letter after reading it.

Before email, people actually used pens and paper to write “real” letters to other people. and im sure a lot of you have kept some of  these letters as souvenirs–or evidence depending on its content.

But I know none of you ever kept their first-ever “basted” letter.  Ewan ko ba kung sentimental lang talaga ako, or maybe its because we’re in the business of junk, kaya ang hilig ko magtago ng mga dapat ibinabasura na.

This was my first unofficial heartbreak. Unofficial kase di ko naman alam kung talagang nainlove  ba ako o crush-crush-an lang. Sa Lourdes School QC kase (an exclusive school for boys noon, bi’s na ata ngayon)  there were only 10 girls in our batch. So you could imagine kung gaano kahahaba ang hair ng mga girls sa batch namin kahit pa mas magaganda ang legs namin sa kanila.

kung gusto mo magka-crush, it was either them or one of the faculty (although we had a classmate who really married one of our teachers!) That could also explain why yung iba naming classmates maaga pa lang nagsipagladlaran na ng mga kapa nila at gustong makipag compete dun sa sampung authentic.

All i can say is that she was the prettiest of the 10 authentics, as proven by the number of guys na nanliligaw sa kanya. Siguro nga nakisabay lang ako sa uso nung isiksik ko yung letter ko sa notebook niya. And you can tell na mukhang hindi lang naman ako ang unang nakatanggap ng maasim na “let’s just be friends.”

Back then, naisip ko na kapag nawala na ang katorpehan ko, liligawan ko ulit siya and kapag naging kami na ipapakita ko sa kanya yung letter para pang asar.

Kaya lang we never saw each other again after highschool. And when we met again several years ago to organize our reunion, she was happily married and i was happily complicated too.

Until now, I still have the letter tucked inside a steel gum box that was also from my high school years. It serves not as a remembrance of a heartbreak, but as a reminder na hindi pala ako magaling mambola sa sulat.

procrastinatED

Op7 takes the battle to Edsa, Weapons of War and Michael Jordan